Header Ads

MOSQUITO REPELLENT PLANT


Japanese encephalitis vaccine? Dengue? Malaria?

Marami ang natatakot na magkaroon ng ganitong klase ng sakit ang ating pamilya o tayo mismo tama ba?
At humahanap tayo ng mga posibleng paraan para maiwasan ito.

Una na diyan ay ang iwasan na mag ipon ng tubig na walang takip, dahil maaari itong pamahayan ng mga lamok, iniiwasan din natin na marumi ang ating kapaligiran.
at syempre kasunod na noon ang pagbili natin ng pang iwas sa mga lamok gaya na lamang ng:

kulambo
katol
insect spray
insect repellent lotion
insect repellent band
insect repellent light

at kung ano ano pa para lang makaiwas sa mga nkakamatay na sakit.

Ako bilang nanay na natatakot ako syempre.. halos lahat yan na try ko na..
yung kulambo medyo matrabaho pagkabit at pag tanggal.
yung katol, at spray masama siya sa kalusugan.. yung lotion ganon din kasi dapat di mo maipahid sa mata or maisubo ng mga bata yung kamay nila na napahiran mo ng lotion..

bumili ako ng insect repellent band hindi naman effective.
yung insect repellent light may kamahalan.

pero kanina lang may nakasalubong akong naglalako ng halaman.. nung una nagandahan lang talga ko.. pero nung nagtanong na ko kung magkano sabi sa akin ng nagtitinda 450 pesos daw..pero natawaran namin siya ng 200 pesos.
para sa lamok daw kasi yun.. kahit mag search pa ako kay google sa pagkakarinig ko nga ang sabi nya marvelosa siya... 

so dahil nightshift ako..sa umaga ako natutulog... at talaga naman napakalamok!
kahit malinis naman ang paligid. hindi maiwasan na malamok sa amin dahil may manukan sa tabing bahay..
pag nag spray ka mamaya nandiyan na naman sila.. 

Nasubukan ko tuloy itong halaman na ito.. mahimbing yung tulog ko..
at napansin kong walang insekto.. effective siya talaga..
ayaw ng mga lamok sa halaman na to! 


Actual photo

Pwede siyang indoor kasi wala siyang mabahong amoy.. hindi gaya kung oregano ang ilagay mo sa loob ng bahay niyo. medyo maamoy at maganda din siyang pang display.

hindi lang lamok ang may ayaw dito. halos lahat ng insekto. iiwas mo nga lang siya sa alaga mong pusa.. kasi hindi ko din alam bakit attracted yung mga pusa dito.. pagkalapag ko pa nga lang nilapitan na ng pusa ko.. 

and sa pag aalaga naman ng halamang ito madali lang daw.. maglagay lang ng tubig sa ilalim nya.. 
kahit plate lang na may tubig. medyo mabilis matuyo ang dahon niya kaya dapat hindi nabibilad sa araw.. 

mas maigi na ang natural na pag prevent o pag iwas sa mga lamok. at syempre kung kaya naman na hindi sobrang mahal ay mas maigi.. tipid na at ligtas pa.

may mga iba pang klase ng halamang kagaya nito. at gusto kong magkaroon ng maraming ganito..
sana ay makatulong ang blog na ito para lahat tayo ay maging safe..


soon.. i will translate this in english...
so everybody can understand..
thank you..



No comments

Powered by Blogger.