Header Ads

Summer | Mataas na porsiyento ng kaso ng RABIES


MANILA, Philippines – Hindi lang basta mainit na panahon at hindi kumportableng pakiramdam ang hatid sa atin ng Summer, Ngunit ito din ay maaring maging sanhi ng pagtaas ng kaso ng rabies sa ating bansa.





May mga cases na naireport na ng mga kagat ng mga aso at pusa ngayong summer season sa buong Metro Manila.

Ang pagsasalin ng rabies virus mula sa mga aso sa tao ay 100% na nakamamatay, Ayon ito sa San Lazaro Hospital.



Ang rabies ay isang viral diseases na nagdudulot ng ng pamamaga ng utak sa mga tao at sa iba pang mammals.

Ang mga pangunahing sintomas nito ay pagkakaroon ng lagnat at pamamanhid sa parte kung san nakagat.

At ang mg sumunod na sintomas ay pagkakaroon ng takot sa tubig, ayaw sa liwanag at hangin.


Uncontrolled excitement at hindi maigalaw ng ayos ang parte ng katawan.

Kapag ang mga sintomas na ito ay nakita o naobserbahan na sa isang taong na infect ng rabies.
Ang resulta nito ay malapit na sa pagkamatay ng isang pasyente.
At wala ng maaring maging lunas pa.



Rabies Virus infects the Central Nervous system, Ang travel time nito ay 4 millimeters kada oras sa loob ng katawan ng tao.

Kung ang isang tao ay nakagat sa leeg o sa malapit sa kanyang ulo ay nasa higher risk kaysa sa nakagat sa hita o sa kamay.

Mas maikling distansiya ay mas maikli ang paglalakbay ng Virus papunta sa utak nito.

Ayon sa  San Lazaro Hospital kadalasan at karamihan sa nakakagat ng aso at pusa ay ang mga bata.
At halos araw araw ay mayroong hanggang 700 pasyente ang nagpapa vaccine sa Ospital.




Ano ang mga dapat gawin kung nakagat ng aso o ng pusa?


Maaaring maging biktima ang kahit na sino ng Rabies Virus , At bilang advised sa Publiko para maging aware kung paano ito mabigyan ng pangunahing lunas sa sugat sanhi ng kagat at maiwasan ang mabilis na pagkalat ng virus ay ito ang mga dapat gawin.

·         Agad na hugasan ng maigi hanggang 20-30 minutes ng malinis na tubig ang sugat gamit ang anti-bacterial soap o suggest ng San Lazaro Doctors ay sabong panlaba.

·         Iwasan din ang pagpisil sa sugat o paduguin ito. Ito ay nagdudulot lamang ng mabilis na pagkalat ng virus.

·         Huwag lagyan ng bawang o toothpaste. Hindi nakakatulong ito.

-Ayon din sa mga eksperto ay inaabisuhan ang mga Dog and Cat owners na maging responsible din sa kanilang mga alaga. Dapat ay mapabakunahan ito ng Anti-rabies para ma-prevent ang pagiging rabid nito.



*HUWAG DIN KALIMUTAN PAALALAHANAN ANG MGA ANAK NA KUNG SAKALI MAN NA MAKAGAT NG ASO O NG PUSA AY AGAD IPAALAM SA MAGULANG, UPANG MAKAIWAS SA MAARING MASAMANG MANGYARI*


At dalhin sa pinaka malapit na ANIMAL BITE CLINIC/HOSPITAL

Research Institute for Tropical Medicine
ritm.gov.ph/

9002 Research Drive, Filinvest Corporate City, Alabang Muntinlupa City.
Contact Numbers: (02) 807-2631 | 807-2632 | 807-2637


San Lazaro Hospital
slh.doh.gov.ph/

Quiricada Street. Sta. Cruz Manila
Contact Numbers: (02) 732-3777 | 732-3778 | 732-3125 | 732-3174

No comments

Powered by Blogger.