Header Ads

9 months old baby died "Wala nang mas sasakit pa dito at no words can explain"

Ito na lamang ang nasabi ng isang ina, matapos mawalan ng anak.
Wala na sigurong mas sasakit pa sa sakit na mararamdaman ng isang ina. Ang makitang nahihirapan ang kanyang anak. Na hindi na makikita pang muli ang kanyang matamis na ngiti, Yung ngiti na nagpapawi at nagbubura ng lahat ng kahit anong problema pa yan basta makita mong masaya ang iyong munting anghel. Ngunit tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung bakit nangyayari ang mga pagsubok na ating nararanasan. Mahirap man tanggapin, ngunit minsan sa ating buhay ay naransan natin ang sayang naibigay sa atin lalo na ang sanggol na biyaya niya.

Marami ang naantig at nalungkot sa post na ito ni Eryka Cdr










Maraming taong nag tatanong kung ano ba talaga ang nangyari..

Sharing is caring ayoko din na magaya kayo sa nangyari sa amin na hindi porke malusog at nakikita nyong walang masamang nararamdaman ang anak nyo e hahayaan nyo lang, Pure breastfeed at complete vaccine ang baby ko.

Ngayon maluwag na sa loob ko na ishare ang nangyari samin sa loob ng 3 bwan na pakikipag laban sa Seizure, Hindi mo alam kung saan nang gagaling kaya mahirap din sya gamutin.

Hanggat may panahon at oras kayo para ipakita sa kanila kung gaano nyo sila kamahal ipakita nyo na.. Kasi hindi natin alam kung kailan sila ibibigay at kung kailan din sila kukunin.

Maraming maraming salamat sa lahat ng tumulong sa amin nung mga panahong nangailangan kami. Sobra sobrang pasasalamat po sa inyo.

Wala nang mas sasakit pa dito at no words can explain kung gaano mawalan ng anak mas masakit pa sa kahit anong break up, mahirap mag move on...
Pero kailangan 💔

9 months kitang dinala sa tyan ko at 9 months ka ding pinahiram sa akin. Alam ko may plano ang diyos sa lahat ng mga nangyayari.

Sayo anak ko, alam ko masaya ka na sa piling ng panginoon mahal na mahal kita at umaasa akong mag kikita tayo muli. Sa ngayon gabayan mo kaming lahat na nag mamahal sayo at tulungan na makabangon at makapag simula uli mahal na mahal kita/namin Maurice!!
May you rest in peace..

We will miss you,
We love you,
And you will always be in our hearts 💕

John 3:16
For God so loved the world that he gave his one and only Son, that who ever believes in him shall not perish but have eternal life..

Danric Maurice Carbonell Tan
March 23, 2017 - January 21, 2018

Cause of death:
Focal seizure, Partially treated Bacterial Meningiti; t/c Autoimmune Encephalitis

































No comments

Powered by Blogger.