Header Ads

Tanggal ang tenga! Dahil hindi pa ubos yung Empi Lights!

"Ibalik mo ang tenga ko! Hindi kita ipapakulong! Habang buhay ko ng dadalhin to!"
Ito na lamang ang nasabi ng matandang lalaki  na ito. matapos na matanggal ang kanyang tenga dahil sa pagtatalo nila sa empi lights na dapat ay ubusin muna!







Maayos naman ang simula ng kanilang pag iinuman. At napag usapan nila na kung maubos na ang Empli Lights na kanilang iniinom ay saka sila mag banlaw ng redhorse.


Ngunit mapilit di umano ang kanyang kainuman na bumili na kagad at yun na daw ang kanyang iinumin.


Naging mas malalim pa ang kanilang pagtatalo at nauwi na ito sa matinding away at humantong na sa inaawat na sila ng kanilang mga kainuman. Kinapitan daw sya ng mga kamag anak ng suspek at nagkaron ito ng pagkakataon na makalapit sa kanya at kinagat ang kanyang kanang  tenga at hinatak pa ito, dahilan upang tuluyan itong matanggal.




Matapos na makagat ito ay nagtangka pa ang suspek na tumakas at magtago sa madilim na lugar.
Ngunit siya ay nahuli rin naman kagad ng mga Brgy. Tanod at tuluyang na blotter sa San Pedro Police Station.

Pagdating sa Police Station ay abot abot naman ang pakiusap ng suspek na patawarin na lamang sya at aregluhin dahil napag alaman na mag-kamag anak silang dalawa.

Ngunit desidido ang nag reklamo na ipakulong siya.


"Kung kaya mo ibalik ang tenga ko! Hindi kita ipapakulong! habang buhay ko ng dadalhin ito!

No comments

Powered by Blogger.