"Puto Biñan" Bus vendor sa San Pedro, Bakit marami ang bumilib sa kanya?
Pag narinig mo na yung "Puto Biñan ma'am" na malumanay mag alok. Alam mo na kagad na si tatay yun!
Sino ba naman hindi mapapabilib kay tatay? eh talagang pansinin pag siya ang nagtitinda kasi nga,
makikita mo naman na may edad na siya pero patuloy pa rin ang paghahanap buhay.
Mapapansin mo rin na maiikli na ang hakbang niya, pero makikita mo rin na ganado pa rin siya maghanap buhay.
Madalas makita si tatay sa Green star bus station sa pacita, Sa San Pedro City, Laguna.
Doon siya nag uumpisa mag alok ng kanyang panindang "Puto Biñan", kalamay.
Kaya sigurado ako marami ang makakakilala at makakaalala kay tatay. Lalo na yung madalas bumiyahe pa Maynila.
Hanga ako sa kanya kasi sa edad niyang 85 years old, inaakyat niya ang Bus para mag alok ng paninda niyang puto.
Yes po! 85 years old na si Tatay Policarpio Camkan siya ay Taga Biñan Laguna.
Wala siyang asawa, Pero meron siyang anak na adopted niya.
Nakakatuwa dahil napatapos niya ang kanyang anak kahit nga daw Vocational lang ito.
meron na din daw siyang apo sa kanyang adopted child, mukhang masiyahin si tatay kaya nga siguro mahaba ang buhay niya at malakas pa rin ang kanyang katawan.
May mga kaibigan ako na nagsasabi na kapag si tatay mag alok ang hirap nga naman tumaggi.
Kaya madalas na baon sa Office yung Puto Biñan ni tatay Policarpio.
At best seller talaga niya yung puto Biñan! Sa halagang 50 pesos, nag enjoy ka na, nabusog ka pa.
natulungan mo pa si tatay.
Meron naman daw nakukuha si tatay bilang isang Senior Citizen. Pambili ng kanyang mga pangangailangan, Pero dahil nga daw yung kanyang anak ay may anak na rin at nae-endo sa trabaho at mag aapply ulit kaya kailangan pa rin talaga niyang mag hanap buhay.
Sana lang may mas magaganda pang benepisyo sa Pilipinas para hindi na kailangan pa umakyat pa ni tatay sa mga bus para mag alok ng paninda niya.
Napahanga ka din ba kay Tatay Policarpio?
-Anonymous
No comments