Header Ads

Isang binatilyo ang nalunod matapos na mahulog sa open septic tank ng isang gasolinahan

Hustisya- ang sigaw ng Pamilya ng binatilyong nalunod sa isang septic tank ng gasolinahan.
Dahil sa kapabayaan, ay nalunod ang binatilyong ito, dahil sa pag aakalang ito ay isang sementado lamang. nagpaalam lang ito na maghahanap ng maiihan. ay nauwi sa isang malagim na trahedya.





Katarungan para kay Kuya! Buong pamilya namin ay nagluluksa sa maagang pagkamatay ni kuya John Albert Martinez-Senilong III,17 y.o. at mag grade 11 sana sa pasukan. Kuya, hindi namin kayang tangapin na nawala ang lahat ng pangarap mo ng dahil lang sa kapabayaan ng iba. Paano na kame ngayon na wala ka na kuya? Hating gabi ng April 29, 2018,
papunta ang grupo ng papa ko sa Bataan para sa Team Building nila.



Kasama ng papa ko ang kuya ko na si John Albert Senilong, 17 years old, na sobrang excited pa para sa outing nila. Habang binabaybay nila ang kahabaan ng NLEX ng nag overheat ang sasakyan nila malapit sa PETRON LAKESHORE, Mexico Pampanga, kaya tinulak nila papuntang PETRON para bumili ng langis,pagkain at tubig. Habang ginagawan ng paraan ng papa ko at mga kasama niya na umandar ulit ang sasakyan, nagpaalam ang kuya ko para umihi. Makalipas ang ilang minuto ready na sila bumalik sa biyahe, nagulat ang papa ko na wala sa loob ng sasakyan si kuya, so hinanap niya saan to posibleng umihi. Napunta siya sa madilim na bahagi along the highway dahil naisip niyang ihing ihi na si kuya maghahanap yun ng madilim na parte na pwedeng pagihian. Nagsimulang kumabog ang dibdib ng papa ko ng makita niya ang Jacket na nakasabit sana sa balikat ng kuya ko na nasa lupa na at nasa loob ng isang tangke ang tsinelas nia na inakala ng papa ko na semento. Ngunit ng kinapa nia ay maruming tubig pala na may masangsang na amoy ng pinaghalong gasolina at dumi, isang septic tank. 12.15 midnight ng simulan nilang gumawa ng paraan para malaman kung andun nga sa loob ng tangke si kuya. Bumaba si papa sa tubig habang nakakapit sa hose kaso umahon agad siya kasi d ni kinaya ang lalim na humigit kumulang sa 16 feet tska nakainom siya ng maruming tubig na may gasolina.



Sinubukan naman ng isa pang kasama ni papa na bumaba gamit ang hagdan.Halos dalawang oras na pinagtulong-tulungan ng mga kasamahan ni papa na maiahon ang kuya ko para mailigtas ngunit mabagal maxado proseso dahil sa kakulangan ng kagamitan at walang kahit anong tulong mula sa Petron. May dumating na mobile 08 NLEX at may isang pulis na nakiusyoso ngunit d nmn tumulong para maiahon kapatid ko ang isa ay lumapit at sumilip pa sa tangke sabay takip sa ilong. Kung sana mas napabilis ang pagkuha kay kuya e di sana nailigtas pa siya.



Nakakasama ng loob na dahil sa kapabayaan ng Petron, dahil walang takip ang tangke,walang warning signs,walang ilaw,walang guwardiya o bantay, at kawalan ng interes na tumulong...namatay ang kuya ko. Nawala ang pangarap niang magpulis. Iniwan nia kaming pamilya nia ng napakaaga at sa napakasakit na paraan. Bakit si kuya ang nahulog doon? Bakit hindi nalang ang nagpagawa noon? Tulungan niyo po kami makakuha ng hustisya para sa kuya ko. Paki-share po nito para maikalat at malaman ng lahat kung gaanong nakakakilabot ang lugar ng PETRON LAKESHORE at sana ay wala nang ibang batang inosente ang mabiktima katulad ng sinapit ng kuya ko. #JUSTICEFORJOHNALBERT #PLEASESHARETHIS





  Credit to Britney Senilong


No comments

Powered by Blogger.