Header Ads

5 buwang gulang na sanggol | Patay sa kamay ng sariling Ina

Isang limang buwang gulang na sanggol ang namatay sa kamay ng sariling ina nito, matapos na laslasin ang leeg, braso at hita nito sa DASMARIÑAS CAVITE, Brgy. Sabang Block 5 Dexter Village, nito lamang Miyerkules dakong 6:30 ng umaga.


Batay sa salaysay ng kanyang panganay na anak na nakaligtas sa tangkang pagpatay din sa kanya ng kanyang ina.


Itinago sa alyas na Jaja ang panganay na nagising siya na hinihiwa ng kanyang ina ang kanyang mga kamay na nagtamo ng sugat ng magising siya, at nakita niya ang kanyang kapatid na bunso na itinago sa pangalang Dana na nasa kanilang higaan, duguan at wala ng buhay.

Dito na nagsisigaw ang bata at agad na humingi ng tulong sa kanilang kapitbahay, at noon nga ay inabutan nilang tangkang kitlin din ng ina ang sariling buhay sa pag laslas ng kanyang leeg.


At base sa report na natanggap ng mga Police ayon sa Security Guard ng GMF Hospital ito nga ay naganap dakong 6:30 ng umaga.

Ang ina naman nito ay nalapatan ng lunas sa De La Salle University Medical Center.


Ang mismong Ina ng suspek ang naging Complainant na si Gng. Floreta Galang, 63 years old ay siyang nagsampa ng kaso.



Batay sa pagsisiyasat ay bago pa man mangyari ang nasabing krimen ay nakikita na daw itong nagsasalita mag isa.

At hinihinalang ito ay dumadanas ng POST PARTUM DEPRESSION.

Ang ama ng mga biktima ay nasa ibang bansa.

At kasalukuyang ang suspek ay naka Hospital arrest at inihahanda sa kasong PAICIDE AT FRUSTRATED PARICIDE.



No comments

Powered by Blogger.