Header Ads

Ano ang kasong maaring isampa sa mga MANYAKIS?

Marami ang nagiging biktima ng mga manyakis sa mga pampublikong lugar, sasakyan at kung saan pa man.


Marami na nga ang kumakalat na manyak at nag trending na din sa mga video, kadalasang biktima nga nito ay ang mga kababaihan at mga menor de edad.


Ang iba ay sinasabing dahil daw ito sa mga suot ng mga babae.
Pero ang suot ko ng araw na yan ay Formal attire naman.





Wayback Oct,12,2014

I was working in Makati then yung oras ng uwi ko ay 10:00pm.
12am ng makarating na ko sa lugar namin pero kailangan ko pa sumakay ulit ng jeep.
Pagsakay ko sa jeep medyo puno na.

Halos nasa kalagitnaan na ako ng byahe ng mapansin ko at maramdaman ko na yung kamay ng katabi ko eh nakahawak na sa kanang dibdib ko. umurong ako at tinapik ko ang kanyang kamay at tinignan ko siya ng masama. alam ko na yung gagawin kong aksyon na siguro akala nya magpapatay bahala na lang ako sa ginawa niya pero hindi pa siya nakuntento at kahit medyo lumayo na ako ng upo ay inilagay nya ang kamay niya sa hita ko. at halos pabab na ko ng jeep nung oras na yun.
Saka na ko nagsalita ng Manyakis ka! P*tang na ka! pagbaba ko ay iniandara na ng jeepney driver ang jeep pero pinilit kong pahintuin ito. Good thing at timing talaga binabaan ko sa lugar namin dahil tapat nito ay Brgy. Hall ng aming lugar.

Sa tulong ng mga tanod ay napababa na ang lalaking medyo susuray suray ang lakad at amoy alak pa ito.

Pakiramdam ko nung araw na yun ay kasabay ang matinding takot at galit sa pangingig ko.
kinontak ko ang Kuya ko at ang asawa ko.

Syempre sa galit ay nasapak siya ng mga ito, medyo matapang pa yung manyakis, una ay itinatanggi nya. pero nung huli inamin din naman niya yung mali nya..

At deretso na kami sa Police Station, Womens desk. At doon ay panay na ang pagmamakaawa niya, dumating din na kamag anak niya, yun nga yung asawa niya na naiyak na sa akin at wag ko na daw kasuhan yung asawa niya.

Nalaman ko na pito na yung anak ng lalaki at may anak pa siyang bulag ang isang mata.
Naawa ko bilang isang nanay na din naman ako.

Pero ayaw pumayag ng asawa ko at ng kapatid ko, kailangan daw turuan ng leksyon yung mga ganung tao. At para hindi na maulit pa sa iba.

Nag file ako ng kaso sa kanya. "ACTS OF LASCIVIOUSNES"

Section 32, Article XIII

A. Concept : The act of making Physical contact with the body of another person for the purpose of obtaining sexual gratification other than, or without intention of sexual intercourse.


1 week din siyang nakulong and after that week ay sa husgado na kami nagkita ulit.

Nakapag piyansa siya,at ng araw ng kami ay magharap ay kinausap muna kaming dalawa ng Husgado bago tuluyang ibaba na nga sa kasong  "ACTS OF LASCIVIOUSNES".

na maari siyang makulong hanggang anim na buwan hanggang anim na taon.

Nung araw na yun ay hindi ko tuluyang ipinakulong ang lalaking manyak dahil sa naawa ako sa kanyang mga anak bilang siya lamang ang naghahan buhay sa knilang Pamilya bilang isang Janitor.

Lubos naman ang kanyang pasasalamat at pag hingi ng tawad sa akin. At nangakong kahit kailanman ay hindi na muling gagawa ng mga ganitong bagay.

May pinirmahan din kaming kasunduan.






No comments

Powered by Blogger.