Header Ads

Insidenteng pandurukot ng 2 estudyante sa San Pedro, fake news Lang!

Kumakalat ngayon sa social media, ang insidenteng pandurukot sa San pedro laguna, ngunit kinumpirma mismo ni PNP chief Mark Anthony Andrade ng San pedro,City of laguna na "Walang katotohanan" ang kumakalat na balita.






Ginanap ang isang Forum February,9,2018 4:00PM kabilang ang City Admin. na si Mr. Filemon Sibulo at ang City Health Office/ Amante Hospital, at dito ay napatunayang walang katotohanan ang kumakalat na balita ukol sa dalawang estudyante di umano ang dinukot at sapilitang isinakay sa van,
may iba pang post na may litrato ng babaeng may hiwa ang katawan at litrato di umano ng mga suspek at van, pati na rin ng mga batang hiwa ang katawan at kinuha nag laman loob.





Sinisigurado ng PNP na walang ganitong klase ng insidente.

Walang record o report ang naitala sa San Pedro Police station, hindi totoo na may dumulog at nag hain ng reklamo sa PNP sa sinasabing insidente.

FAKE NEWS






Mabilis na kumalat ang FAKE NEWS na ito sa bayan ng San Pedro.
Marami ang nag share at napaniwala sa maling balita na ito, dahil isang account ng isang Brgy. ang nagpakalat nito. Maging sa iba pang Brgy. ay napaniwala ng fake news. dahilan upang mabalot ng takot at pangamba ang mga tao.





Hindi nga naman maalis ang matatkot sa mga ganitong klase ng balita lalo na sa mga magulang.
Sa mga San Pedronians , Huwag pong basta basta maniniwala sa mga post ng kung sino man, o sa mga sabi sabi ng kung sino, huwag din pong iakalat ang mga balitang wala nman kasiguraduhan pa. Ngunit maging mapagmasid at maging alerto din po tayo. Patuloy din naman ang isinasagawang checkpoints at oplan sita para sa mas ligtas at ikaaayos at ikapapayapa ng lungsod.

Kung kayo po ay may mga katanungan o nangangailangan ng Police assistance 
ito po ang contact numbers.

868-8868 / 868-8886

No comments

Powered by Blogger.